CAMARINES NORTE- Tatlo katao na kapwa may mga standing warrant of arrest an napasakamay ng mga otoridad sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP sa lalawigan ng Camarines Norte
Sa bayan ng Labo nadakip ang isang 32-anyos na lalaki na may kasong 2 counts ng Attempted Murder sa Purok 3, Barangay Iberica, ng nabanggit na bayan, nakilala itong ng si alyas NONOY, 32 anyos, residene ng nabanggit na lugar. Si NONOY ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong two (2) counts ng Attempted Murder , may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Isang Daang Libong Piso (Php100,000.00) bawat isang kaso para sa suspek
Sa bayan ng Daet, isang 22-anyos na lalaki na may kasong Serious Physical Injuries ang naaresto sa Purok 1, Barangay Mambalite, Daet, Camarines Norte. nakilala itong si alyas JR, 22 anyos, at residente ng nabanggit na lugar na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Labingwalong Libong Piso (Php18,000.00).
Sa kaparehong bayan, isang construction worker na may kasong Robbery with the Use of Force Upon Things ang nadakip sa Vinzons Avenue, Barangay Gahonon, kinilala itong si alyas ROY, 26 anyos, at residente ng Purok 8, Barangay I at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Labingwalong Libong Piso (Php18,000.00)
Ang mga nasabing personahe ay nasa kostudiya na ng himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.
