DA Usec. Morales, bumisita sa Partido Area; Pagpapalakas ng farm diversification, binigyang diin

CAMARINES SUR — Bumisita bilang pangunahing panauhing pandangal si Department of Agriculture Undersecretary, Christopher Morales ng Masagana Rice Industry Development Program, sa katatapos pa lamang na 1st Diversified Farming Expo o ang pagtitipon ng mga  magsasaka na kabilang sa iba’t-ibang sangay ng agrikultura  sa bayan ng San Jose, sa Partido Area.

Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng adbokasiya at programang “farm diversification” lalo na ngayong ramdam na ramdam ng mga magsasaka ang epekto ng El Niño Phenomenon.

Ang Farm Diversification ay isang sistema ng pagsasaka kung saan hindi lamang nakatuon sa iisang sektor, kung hindi pati na sa iba pa tulad ng pagtatanim ng mais, tubo, at gulay, sa halip na palay lamang. Sa paraan na ito, masusuportahan ang pangangailangan ng isang magsasaka sakaling lubhang maapektuhan ng iba’t-ibang salik, tulad ng bagyo, matinding tag-init, peste at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *