Importansya ng punong kahoy muling napansin sa Naga City

NAGA CITY – Isang makapangyarihang likha kung ituring ng karamihan ang punong-kahoy lalo na ngayong labis ang kinakaharap na problema ng bansa dulot ng pagbabago sa klima.

Si Shaine, na nagtatrabaho sa isang kainan ay isa sa mga naniniwalang napakalaking tulong ang naibibigay ng punongkahoy sa buhay ng tao.

“Napakalaking tulong nito lalo na kapag bumabagyo dahil yung punong-kahoy sila yung kinakapitan ng tubig.”

Isa rin si alyas “Jojo”, na safety officer ang nabebenepisyuhan ng punongkahoy.

“Ang importansya ng punong-kahoy sa atin ay nakakapagbigay siya ng lilim na maaaring mapagsilungan at ‘yung mapreskong hangin lalong-lalo na ngayong mainit ang panahon.

Sa mga urban areas tulad ng lungsod ng Naga, tila paunti-unti nang nawawala ang mga punongkahoy dala ng modernisasyon  kasabay pa nito ang pansamantalang pagtigil ng mga tree planting activities dahil sa matinding init ng panahon. Paliwanag naman ni Engr. Dan Cea, ang project head ng Forest In Our Midst na sakop ng City Environment and Natutal Resources Office, kailangan lang muna nilang mas tuktukan ngayon ang mga naitanim nang punla noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *