Underground cabling hirap pa ring maisakatuparan sa Naga!

NAGA CITY –Nahihirapan pa ring maipatupad ng City Government ng Naga ang matagal ng planong magkaroon ng underground cabling mula ng planuhin ito taon pang 2022 na suportado naman ng Anti-Dangling Ordinance na naipasa naman sa konseho na ang pangunahing author ay si City Councilor Lito Del Rosario, Chairman ng Public Utility sa Konseho.

May mga pauna ng naganap ng pagme-meeting ang local na pamahalaan hinggil sa pagpatupad nito, subalit wala pa ring nangyayari patunay ay ang mga wire na nakikita pa ring nakalawit sa mga poste ng CASURECO 2 sa kahabaan ng central business district, sa sentro ng lungsiod, Magsaysay Avenue, Concepcion -Del Rosario roads, Diversion at maging sa Panganiban Drive.

Sinabi naman ni Del Rosario, na ang nagsimula na noong nakaraang taon ang implementasyon ng project subalit biglang natigil dahil sa kakulangan ng pondo at hindi pakikipag-cooperate ng ilang TelCos, kaya ngayon nakikipag-ugnayan uli siya sa City Engineers Office para tanungin kung ano ang nangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *