Cruise trips sa Japan, balik operasyon na sa gitna ng COVID-19 pandemic

Uunti-untihin ng Japan ang pagbabalik operasyon ng cruise ships nito kasabay ng pagpapatupad ng COVID-19 safety measures.

Ito ay matapos makansela ang maraming byahe nito dahil sa COVID-19 pandemic.

Nagawa na ng major cruise ships na Asuka II at Nippon Maru na makabyahe ng 21 beses noong Lunes.

Sinimulan muli ng cruise ships ang mga byahe nito matapos tuldukan ng gobyerno noong Setyembre ang coronavirus state of emergency na saklaw ang buong Tokyo at marami pang ibang prefectures.