Mga bata at menor de edad sa Camarines Norte, naenjoy ang kanilang unang araw sa mga mall kahapon

CAMARINES NORTE- Hindi napigilan ng mga kabataan ang kanilang kasiyahan sa unang araw na mapayagang makapasok sa mga mall matapos ang halos dalawang taon na pananatili sa mga bahay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pagiikot ng Brigada News FM Daet ay maraming mga bata at menor de edad ang malaya ng nakapaglibot sa mall  kahapon

Pinakabata sa nakita ng Brigada News FM Daet ay isang 3 taong gulang na batang lalaki at sa pakikipagpanayam sa kanyang ina, ito ang unang araw na nakalabas ng  bahay ang kanyang anak

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Mommy Mely, dinala nya sa mall ang kanyang anak base na rin sa kahilingan nito at tiniyak naman nito ang proteksyon ng kanyang anak sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at face shield

Una ng inihayag ng ilang malls na handa na silang tanggapin ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang o guardians

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Paalala naman ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na siya ring Incident Commander for Health, responsibilidad umano ng magulang ang kanilang mga anak upang hindi sila mahawa ng sakit.

Binigyang diin rin nito na kahit niluwagan na ang mga restriction ay dapat pa rin aniyang mahigpit na sundin ang health procotols kontra COVID- 19.