Naghiwalay na sina Janina Guttierez at Rayver Cruz matapos ang apat na taon nilang relasyon.
Base sa isang ulat ay kinumpirma ito ng isang source na malapit sa dating magkasintahan.
Ayon sa source, noong Oktubre pa naghiwalay ang 32-anyos na si Guttierez at 32-anyos na si Cruz.
Mababatid na nagawa pa ni Cruz na batiin si Gutierrez noong kaarawan nito sa pamamagitan ng isang Instagram post noong October 2 bago ang kanilang hiwalayan umano.
Sa nasabing post ay ikinumpara ni Cruz si Gutierrez sa isang dyamante at sinabihan ito ng “ILY” o I love you.
Hindi na ito makikita sa page ni Cruz ngayon.
Nilinaw naman ng source na walang third party sa relasyon nila at posibleng nagkalabuan lamang sila dahil matagal na rin silang hindi nagkikita dahil sa lock-in tapings.
