Bumaba ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila sa 1.20 as of January 19, mula sa 2.95 noong nakalipas na linggo, habang nananatili ang rehiyon sa “very high risk” classification.
Iginiit naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David ang one-week growth rate sa metropolis ay bumaba sa -42%, na inilarawan nitong malinaw na downward trajectory sa mga bagong COVID-19 cases.
Samantala, ang average daily attack rate (ADAR) naman sa National Capital Region ay bumaba rin sa 72, pero indikasyon pa ng “very high level.”

Una nang sinabi ni David na nasa very high risk pa ang mga probinsya sa labas ng Metro Manila, dahil sa mataas na ADAR. //MHEL PACIA-TRINIDAD