Inihayag ng Department of Health na mas kailangan ng mga ospital ang mas maraming higaan para sa COVID-19 patients, kaysa sa ventilators at oxygen.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, minomonitor ng kanilang ahensya ang ilang lugar na hindi naglaan sa sapat na Covid beds.
Binigyang diin naman ni Vergeire na isa sa kanilang nakikita ngayon na maganda, ay hindi gaanong marami ang mga pasyente na mayroong severe at critical cases.

Dahil dito, ang pag-gamit ng mechanical ventilators, oxygen, at COVID-19 investigational drugs, ay hindi masyadong kailangan.
Sinabi naman ng opisyal na ang health-care utilization rate sa karamihan sa rehiyon ay nasa moderate risk, sa pagitan ng 50 at 70 percent. //MHEL PACIA-TRINIDAD