COVID-19 test kits, nanatiling nasa ilalim ng price cap – DTI

Binigyang diin ng Department of Trade and Industry na nanatiling mas mababa sa price cap ang mga COVID-19 test kits habang hindi pa aprubado ng regulators ang mga self-administered test kits.

Ayon kay Trade Assistant Secretary Anne Clair Cabochan, nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa Department of Health upang matugunan ang mga napapaulat na overpriced testing services.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Kung maalala noong 2020 ay minandato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa parehong DOH at DTI na magtakda ng price range para sa COVID-19 testing services ng mga ospital, laboratoryo, at iba pang health establishments.

Sa ngayon ay naglalaro ang presyo ng RT-PCR tests mula P1,000 hanggang P3,000, dipende sa healthcare facility, o kung magmumula ito sa public o private sector.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Nagbabala naman si Cabochan na maaring managot sa batas ang mga nagtitinda ng test kits online, dahil hindi pa aniya ito sertipikado para lehitimong maibenta sa Pilipinas.