18th Congress wala nang panahon para sa constitutional amendments – Sotto

Ipinagkibit-balikat lamang ng ilang senador ang panukala na inihain sa House of Representatives na nagsusulong ng mas mahabang termino para sa pangulo, mga kongresista, at mga lokal na opisyal sa pamamagitan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na huli na para talakayin ang constitutional amendments.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ipinunto ni Sotto na dapat ay isulong na lamang ang naturang panukala sa 19th Congress.

Nilinaw naman ng senador na hindi niya kinukwestyon ang motibo ng kapwa niya mambabatas sa paghahain ng panukala.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Naniniwala naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi na dapat patulan ang ganitong klase na panukala.

Mababatid na nakatakdang mag-resume ang sesyon ng parehong kapulongan ng Kongreso sa January 17 habang maga-adjourn naman ito muli sa February 4, 2022.