DTI, nanindigan na walang supply issue sa over-the-counter drugs

Nanindigan ang Department of Trade and Industry na walang isyu ng supply ng over-the-counter drugs sa mga botika.

Sinabi ni DTI Assistant Secretary Anne Clair Cabochan na inaasahan nilang babalik sa normal ang suplay ng mga gamot tulad ng paracetamol oras na mag-replenish ang mga botika.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Sa katunayan ay sinabi ni Cabochan na may kapasidad ang isa sa mga local manufacturers ng bansa na may produce ng hanggang 60-milyong tableta kada buwan.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Ipinunto niya na nagkaroon lang ng pansamantalang shortage kamakailan dahil sa pagtaas ng demand para rito.