Covid-19 recoveries sa Bicol pumalo na sa mahigit 15k sa kabuuang 19.6k na kaso

BICOL—Muling nagtala ng mataas na bilang ng mga gumaling ang Bicol region na umabot sa 209 kung kaya pumalo na sa 15,093 ang total recoveries sa sakit sa rehiyon.

Naitala sa Naga City ang 55 mga bagong gumaling, 54 sa lalawigan ng Masbate, 47 sa Albay,  27 sa Camarines Sur, 18 sa Sorsogon at walo sa Catanduanes.

Umabot na rin sa kabuuang 697 ang death toll matapos na madagdagan ng 11 panibagong nasawi. Pito sa mga ito ay mula sa Naga City at apat sa Sorsogon.

Samantala, 119 na mga bagong kaso naman ang naitala kung kaya pumalo na sa 19,618 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa rehiyon.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso anbg Camarines Sur na umabot sa 42 kung saan 19 nito ay mula sa Naga City, apat sa bayan ng Nabua, tatlo sa bayan ng Bato, tigdadalawa ang mga bayan ng Calabanga, Garchitorena, Magarao, Pasacao at Pili at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Cabusao, Ocampo, San Jose, Tigaon at Iriga City.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ikalawa sa may mataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Norte na umabot sa 31 kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Daet, pito sa bayan ng Jose Panganiban, lima sa bayan ng Labo, lima rin sa bayan ng Vinzons, tatlo sa bayan ng Basud, dalawa sa bayan ng Paracale at isa sa San Lorenzo Ruiz.

Ang Albay ay nagtala ng 26 na bagong kaso kung saan walo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tig-aapat ang bayan ng Daraga at mga lungsod ng Ligao at Tabaco at tig-iisa naman ang mga bayan ng Jovellar, Libon, Malinao, Pio Duran, Polangui at Tiwi.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

13 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan apat nito ay mula sa Sorsogon City, tigtatlo ang bayan ng Gubat at Prieto Diaz, dalawa sa bayan ng Bulusan at isa sa bayan ng Donsol.

Pitong kaso naman ang nadagdag sa Catanduanes kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Panganiban at isa sa bayan ng Caramoran habang zero new positive case naman ang lalawigan ng Masbate.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon. 𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM