Covid-19 case sa Central Luzon, Sumampa na sa 125 thousand

Sumampa na sa mahigit 125 thousand ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong Central Luzon.

Batay sa datos ng Department of Health region 3, meron nang 125, 942 na total case count ang rehiyon as of July 28.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa nasabing bilang 118, 663 na ang mga naka rekober, habang 3, 147 naman ang bilang ng nasawi.

Sa ngayon meron pang 4, 132 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Gitnang Luzon, kung saan 94.24% dito ang may mild symptoms, 1.69% ang asymptomatic, 1.94% ang moderate, 1.62% ang severe, at 0.51% ang critical.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga