Mga residente sa dalawang isla ng Jose Panganiban nakatanggap ng ayuda mula Sa Pamahalaang Panlalawigan

CAMARINES NORTE- Labis ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Dahican at Barangay Dayhagan sa bayan ng Jose Panganiban dahil sa natanggap nilang ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan  ni Governor Egay Tallado at ilang mga opisyales ng naturang LGU

Bukod sa 680 Foodpacks na naipamahagi sa mga residente , nakatanggap rin sila ng libreng gamot at salamin sa mata

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

inihatid ang mga foodpacks kasama ang ilang opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng naturang bayan .

Ayon kina Barangay Jereos Bagasbas ng Dahican at Punong Barangay Ricardo Maderal ng Dayhagan hindi sila nakakalimutang hatiran ng tulong kahit may sama ang panahon lalo na ngayong pandemya.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Siyam na isla na ang naabutan ng tulong at umabot na ito sa kabuuang bilang na 3,322 kasama ang bayan ng Vinzons at Mercedes.

(photo courtesy: Gov Edgardo Tallado Official FB page)