Mga violators sa health protocol nahuli kagabi sa ikinasang intensified checkpoint at oplan sita operation ng Daet PNP

CAMARINES NORTE- Naitala kagabi Hunyo 28, 2021 simula alas 8:00 PM hanggang alas 10:30 ng gabi ng Daet PNP mula sa Police Community Precinct 2 ang mga bilang ng paglabag sa Health protocol at traffic violator.

Sa pangunguna ni PSSg Rizaldy Lique, at supervision ni PLTCOL CHITO M OYARDO, Hepe ng Daet PNP isinagawa kagabi ang Oplan Sita sa kahabaan ng Pres. Cory Aquino Blvd sa Barangay Bagasbas, bayan ng Daet kung saan sa nasabing pag-i-ikot ay may ilang namataan na hindi sumusunod sa minimum health and safety protocols.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Pero dahil sa implementasyon ng PNP, ilan ang nakitaan ng paglabag sa Traffic laws and regulation kung saan Lima dito (5) ay nabigyan ng citation tickets, Isang (1) LTO Temporary Operators’s Permit at Isang  (1) impounded motorcycle.

May ilang paglabag din sa health protocol, kung saan pinaalalahanan na lang ito ng PNP.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Kasabay nito, hinikayat ng PNP ang publiko na sumunod dahil ito’y para din bawat isa, lalo na at mahigpit ngayon sa panahon ng Pandemya.