Paglalagay ng tag sa mga bahay na may kaso ng COVID-19 sa Pateros, di labag sa batas- DILG

Wala umanong nalabag na batas ang Pateros LGU sa paglalagay ng dilaw na ribbon bilang tanda sa mga bahay na may kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Operations Martin Diño, boluntaryo naman umano ang paglalagay ng mga tanda kaya wala siyang nakitang paglabag sa mga ito.

Read More:  Ombudsman files plunder complaint vs. Romualdez, Co

Matatandaan na naunang naiulat ang kontrobersyal na paglalagay ng mga dilaw na ribbon sa labas ng bahay na ayon sa ilan ay lumalabag sa Section 9 ng Republic Act (RA) 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.’’ kung saan pinagbabawal ang hindi otorisadong paghahayag ng mga confidential na impormasyon sa kondisyon ng isang pasyente.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Nauna na ring sinabi ni Pateros Mayor Miguel Ponce na boluntaryo lamang ang pagpapalagay nito, at ito ay nakakatulong rin sa kanilang LGU upang mabilis matukoy ang lugar na mayroong kaso ng virus.