Consolidated at systematic fishing sa Bajo De Masinloc, inirekomenda ng isang kongresista

Isinusulong ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez na magkaroon ng sistematikong paraan ng pangingisda sa Bajo De Masinloc o Panatag Shoal.

Sa pagdinig ng House Committee on National Defense and Security at Special Committee on the West Philippine Sea sa Masinloc, Zambales ngayong araw, sinabi ni Fernandez na panahon na para i-consolidate o magsama-sama ang mga mangingisda sa malalaking fishing vessels.

Dapat aniya ay mabigyan ng protective gear at equipment ang fisherfolk at tutukuyin na ang partikular na lugar kung saan mangingisda.

Punto ni Fernandez, sa ganitong paraan ay maaaring matakot o mag-alinlangan ang mga kalaban dahil mas malalaking barko na ang maghahatid sa mga mangingisda.

Isinisi rin ni Zambales Representative Jefferson Khonghun sa maliliit na bangkang ipinamimigay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang problema sa kabila ng malaking pondong inilalaan ng Kongreso.

Sa paparating na budget season ay dapat umanong matiyak na ang mga bangkang ipagkakaloob sa mangingisda ay angkop sa kanilang pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *