Commitment ng gobyerno Marawi rehab, pinasalamatan

Tiniyak ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na mapabibilis at magiging kongkreto na ang mga hakbang tungo sa full rehabilitation at tuluyang paghilom ng Marawi City.

Ito’y kasunod ng direktiba at commitment ni Pangulong Bongbong Marcos na agarang ibalik ang suplay ng kuryente at tubig sa lungsod ilang taon matapos ang Marawi Siege.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sinabi ni Adiong na malaking tulong ang desisyon sa harap ng mga hamon sa rehabilitasyon lalo na ang pabahay, tubig at kuryente.

Bilang chairperson ng House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation at Co-Chairperson ng Congressional Oversight Committee on the Marawi Siege Victims’ Compensation Act, nasaksihan umano ni Adiong kung gaano kahalaga ang naturang mga serbisyo sa rebuilding efforts sa mga komunidad.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ang decisive na aksyon ay hindi lamang aniya tutugon sa matagal nang hinaing kundi upang siguruhin na ang mga residente ay nakikita, naririnig at sinusuportahan.

Dagdag pa ng kongresista, panibagong tagumpay na naman ito sa ilalim ng Bagong Pilipinas sa pagkamit ng tunay at pangmatagalang kapayapaan.