Pagkakasama ni Barayuga sa drug watch list matapos mamatay – iimbestigahan ng PNP

Kabilang din sa iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakabilang ni dating PCSO Board Secretray Wesley Baryuga sa drug watch list matapos ang kanyang pagkamatay.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kailangan “airtight” ang kanilang internal systems.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nagsimula na ang full review sa kanilang mga proseso upang maiwasan ang mga pagkakamali sa hinaharap.

Dapat kasing suportado ng credible intelligence at dumaan sa masusing proseso ng beripikasyon ang bawat pangalang mapapabilang sa crime-related list, hindi lamang sa mga kasong may kinalaman sa iligal droga.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Binigyang-diin niya na ang transparency, accountability, at accuracy ay hindi dapat nakokompromiso sa operasyon ng pulisya.

Maaari kasi itong makasira hindi lamang sa buong organisasyon kundi pati na rin sa tiwala ng publiko.