Comelec, sinimulan na ang pag-imprinta ng mga balota para sa special polls sa Cavite

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprinta sa mahigit 350,000 na official ballots sa National Printing Office, para sa special polls sa seventh legislative district ng Cavite sa Feb. 25.

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, target nilang matapos ang proseso kabilang na ang verification at iba, ngayong linggo.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Kabuoang 355,184 na mga balota ang i-imprinta, na kaparehong bilang ng mga registered voters sa apat na mga lugar sa probinsya, na kinabibilangan ng Trece Martires City sa 29,171 voters, at mga bayan ng Amadeo, 29,172; Indang, 46,552; at Tanza, 159,950.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Nabatid na mayroong apat na mga aspirants ang naglalaban bilang kinatawan ng distrito sa House of Representatives, na sina Jose Angelito Domingo Aguinaldo, Melencio Loyola De Sagun Jr., Michael Angelo Santos at Crispin Diego Diaz Remulla.