Nais ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pangasiwaan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang retirement fund ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Zubiri, ang retirement fund ng mga veterans ay kinukuha mula sa kontribusyon ng mga taxpayers.
Bagama’t ‘deserve’ umano ng mga beteranong ito ang malaking pensyon, binigyang diin ng Senate President na tila mayroong mismanagement ng pondo.
Nangako naman ang naturang senador na aayusin ito, dahil maari umano itong makaapekto sa national fund ng bansa.
