Comelec, maglalabas ng Digital voter’s ID para sa mga botante sa ibang bansa

Ibabalik ng Commission on Elections ang voter’s ID sa darating na 2025 elections para sa mga botante sa ibang bansa.

Ayon sa Comelec, ang voter’s ID ay nasa digital form at limitado lang sa mga botante sa ibang bansa.

Read More:  US Navy to build boat maintenance facility in Palawan

Sinabi ni Comelec Chairman  George Garcia, inaprubahan na nila ang komisyon na pinagkaloob sa mga Overseas Filipino Workers para mapadali ang kanilang partipasyon sa kauna-unahang internet voting ng bansa.

Read More:  20% tax on savings: Rich lose perks as Bongbong Marcos signs law ending special treatment for long-term deposits

Ang digital voter’s ID ay maaaring magsilbing alternatibong valid ID para sa mga walang Philippine Passport o Seafarer’s Identification Record na magagamit.

Magsisimula ang pre-registration mula February 12,2025 hanngang May 12,2025. (BRIGADA NEWS INTERN-JUSTINE JUMARANG)