Isang Lolo sa China, Bumata ng Tatlong Dekada

Sa likod ng batang looks ni Lolo ay ang apo nito na isang amateur make-up artist na may username sa TikTok na @sakuralusi.

Kwento ni @sakuralusi, simula noong nagmamake -up siya ay sarili lang niya ang kanyang nilalagyan at nagagaya niya ang itsura ng iba’t-ibang anime character.

Kaya naman nitong huli sinubukan ni @sakuralusi na lagyan ng make-up ang kanyang Lolo na nagresulta sa mala bagets na looks ng kanyang Lolo.

Sa galing at husay ng make-up artist, napahanga niya ang kanyang mga viewers at netizens at hindi makapaniwala na ang Lolo niya na nasa 66 years old ay bumata ng halos tatlong dekada dahil sa make-up.

Kasabay nito ay pinuri naman si @sakuralusi ng kanyang fans at umani naman ito ng 29K followers sa Tiktok na may kabuuang 2.9M videos likes. (BRIGADA NEWS INTERN-RAUVIC CIFRA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *