Comelec hinimok ang mga hindi pa nakakapagparehistro na samantalahin ang extended voter registration

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Commission on Elections ang mga hindi pa nakakapagparehistro na samantalahin ang extended voter registration na nagsimula kahapon, October 11- 30 ng taong kasalukuyan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau na dapat samantalahin ang pagkakataong ibinigay ng komisyon para makaboto sa May 9, 2022 National and Local Elections.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Bukas ang mga opisina ng Comelec para sa extended voter registration simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon Lunes hanggang Biyernes.

Walang registration kapag Sabado maliban sa huling araw nito sa October 30.

Ang mga magdidisi-otso sa May 9, 2022 ay maaari na ring magparehistro o ang mga ipinanganak ng May 9, 2004.

Ang mga hindi naman nakaboto ng dalawang magkakasunod na regular elections o yaong mga deactivated  ay maaaring magpa reactivate.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ani Abanes, maging bahagi ng pagbabago sa pamamagitan ng pakikilahok sa halalaan at ang unang hakbang ay magparehistro.

Ang pagpapalawig ng voter registration ay dahil na rin sa panawagan ng iba’t- ibang sektor.

Nang magtapos kasi ang deadline noong September 30 ay marami pa rin ang hindi pa nakakapagparehistro.