Inanunsyo ni National Task Force Against COVID-19 Secretary Delfin Lorenzana na magtatayo ang gobyerno ng oxgen command centers sa lahat ng mga rehiyon.
Layon nito na tugunan ang pagdami ng demand para sa medical oxgen sa gitna ng pandemya.

Ipinunto ni Lorenzana na mag-iimplemeta ang gobyerno ng green lanes sa lahat ng pantalan para tiyakin ang smooth na delivery ng oxygen supplies.
Tiniyak rin ni Lorenzana na hindi mahahadlangan ang pagdating ng supplies ng medical oxygen sa mga probinsya.