Batch 3 at 4 ng SRAs sa health workers, pumalo sa halagang P617-million – Duque

Umabot na sa P617.2-million ang hala ng special risk allowances na naipamahagi na ng Department of Health sa mga healthcare workers.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na mas mataas ang nasabing halaga kumpara sa P536.74-million na naiulat noong nakaraang linggo.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ipinunto ng kalihim na tinatayang nasa 48,226 na healthcare workers sa bansa ang tumanggap ng ayuda base sa huli nitong datos noong October 6, 2021.

Ibinahagi rin ni Duque na para sa Batch 2 ng SRA, ay umabot sa P309.2-million ang naipamahagi sa 21,248 na medical frontliners base sa huling tala noong August 31.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Para naman sa Batch 1, ay sinabi ni Duque na umabot sa P6.92-billion ang na-release mula December 2020 hanggang June 2021 habang nasa P6.4-billion naman ang na-disburse para sa SRA at hazard pay ng healthcare frontliners mula September 2020 hanggang December 2020.