COMELEC Bicol, tiniyak na walang mangyayaring dayaan sa darating na BSKE 2023; seguridad naman ng mga kandidato at mga paraphernalias, siniguro din ng PNP San Jose, Camarines Sur

NAGA CITY – Tiniyak ng Commission on Election Bicol, na sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon 2023, ay walang mangyayaring dayaan.


Ayon kay Assistant Regional Election Director ng COMELEC Bicol, Atty. Annie Cortez, maliban sa handang-handa na ang opisina, katuwang ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at iba pang ahensya, isa sa mahigpit nilang babantayan ay ang mga posibleng dayaan lalo na’t manual ang bilangan ngayon ng boto.


Makakasiguro din na ang lahat ng mga magiging Electoral Board sa halalan, ay dumaan sa masusing training at naipaalam sa kanila ang mga dapat na gawin, lalo na sa interpretation of ballot dahil ilan sa mga kandidato pareho ang apelyedo pareho din ang pangalan, lalo na sa Camarines Sur at Naga City.


Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Rommel San Andres, Officer In Charge ng San Jose Municipal Police Station, siniguro din nila ngayon ang seguridad ng bawat kandidato sa kabila na nasa green category ang bayan maging ang mga paraphernalia lalo na ang mga ballot bago at pagkatapos ng eleksyon lalo na’t hagad din ng naturang himpilan, ang mapayapang halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *