COMELEC, all-set na para sa proklamasyon ng party-list ngayong hapon

Kasado na ang venue para sa idaraos na proklamasyon ng mga mananalong party-lists ngayong hapon sa PICC Forum Tent.

Nakalatag na ang higit sa 100 mga upuan para sa mga imbidatong party-lists groups.

Una nang sinabi ni Commisison on Elections acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na pinapayagan ang hanggang sa dalawang mga representatives para dumalo sa proklamasyon mamaya.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Samantala, sinabi naman ni COMELEC Commissioner Erwin Garcia na kumpleto pa ring maipo-proklama ang 55 party-list groups ngayong araw para makumpleto ang 63 na puwesto sa Kamara.

Ito ay sa kabila ng mga pending na disqualification cases laban sa Gabriela at Kabataan na inihain ng NTF-ELCAC.

Ayon kay Garcia, magiging ‘unfair’ umano kung ide-delay ang proclamation sa mga ito dahil lamang sa mga pending dq cases na inihain sa kanila.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Samantala, hindi naman kasama sa proclamation ang nasa 37th spot na United Senior Citizens party-list dahil sa disqualification case na inihain ng Senior Citizens party-list, ika-11 sa ranking.

Sigurado na ang tatlong puwesto sa Kamara para sa number 1 spot sa party-list rankings na ACT-CIS party-list; habang mayroong tig-dalawang puwesto ang nasa top 2-6 ng ranking. Mula sa rank 7 pababa, magkakaroon ito ng tig-isang puwesto sa Kamara.
#