President-elect Marcos, tiniyak ang mas maigting na paglaban kontra sa kurapsiyon

Tiniyak ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na mas paiigtingin nito ang paglaban kontra sa kurapsiyon sa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa isang panayam ni Press Secretary-designate Atty. Trixie Cruz-Angeles sinabi ni Marcos Jr., na walang puwang ang katiwalian sa gobyerno subalit nakakalungkot isipin na nakaugat na umano ito sa pamahalaan.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Umaasa naman si Marcos na hindi aabot sa punto na kailangan palitan ang lahat ng kawani sa isang ahensiya dahil sa kurapsiyon subalit handa niya umanog gawin ito kung kina-kailangan.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Hindi umano magtatagumpay ang Pilipinas kung magpapatuloy ang kalakaran ng katiwalian sa mga ahensiya ng gobyerno.
#