8 manlalaro mula sa bayan ng Juban, wagi sa 5th Antipolo Mayor’s Cup Taekwondo

SORSOGON CITY – Walong mga residente ng Juban na kabilang sa Bicol Taekwondo Academy  ang nag-uwi ng panalo sa katatapos lamang na 5th Antipolo Mayors Cup Taekwondo Championship na ginanap noong Mayo 21, 2022 sa Ynares  Event Center Antipolo City.

Ang grupo ay nag-uwi ng 4 na Gold Medal, 2 silver at 2 bronze na nasungkit ng mga ito sa nasabing kompetisyon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kabilang sa mga nakasungkit ng Gintong Medalya sina Richard Grimpola, John Axel Asesor, Lester Grefal at Remonaliza Esperida.

Nasungkit  naman nina Darren Barrameda at Aira Grefal ang Silver Medal habang Bronze Medal naman ang naiuwi nina Seth Conny Desder at Jerald Baloloy.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nagpasalamat naman ang coach ng grupo sa lahat ng mga tumulong para sa matagumpay na laban ng nasabing mga manlalaro.