CNPH employees suportado ang implementasyon ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN)

CAMARINES NORTE – Hinikayat ng Department of Health Bicol ang mga Local Government Unit na suportahan ang Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) sa mga probinsya hanggang sa mga barangay sa rehiyon batay sa inilabas na pahayag nitong Miyerkules, July 10.

Pero bago pa man ito ay mayroon nang inisyatiba dito sa lalawigan ng Camarines Norte na sa unang araw pa lang ng Nutrition Month ay nagpahayag na ng suporta sa PPAN partikular ang mga kawani ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Batay sa resulta ng 2023 Operation Timbang Plus (e-OPT)  sa r Bicol, 10.5% ng edad 0-50 buwan ay bansot,  2.4% ay kulang ang timbang ayon sa tangkad ,5.6% ay kulang sa timbang (underweight) at 2.73% naman ay sobra sa timbang (overweight/obese).

Ito ay mas mababa mula sa resulta ng 2022 e-OPT kung saan 11.7% ang stunting; 2.6% ang wasting, 6% ang underweight at  3.08% ang overweight/obese.

 Nasa 3,471 na barangay ang naging sakop ng 2023 e-OPT, kung saan 76.5% ng lahat ng mga bata sa Bicol ay nakuhanan ng haba/tangkad at timbang, at nakakaranas ng iba’t ibang uri ng malnutrisyon. Dagdag pa rito, ang undernutrition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *