Oplan Balik Eskwela Public Assistance Center ilulunsad ng DepEd sa July 22

CAMARINES NORTE – Ilulunsad ng Department of Education ang Oplan Balik Eskwela (OBE) Public Assistance Center (PAAC) sa July 22 para sa pagbubukas ng School Year 2024-2025 para matiyak na maayos ang pagsisimula ng pasukan sa July 29.

Sa ipinalabas na Division Memorandum No 151 s.2024 ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla lahat ng queries and concerns na mai- encounter sa pagbubukas ng klase ay maaaring ipaabot sa nakatalagang email address, website at facebook page.

Inaatasan din ang mga eskwelahan na bumuo ng sariling OBE-PAAC sa kanilang lebel na ang duties and responsibilities ay limitado lang sa pagtanggap, pagproseso at pagtugon sa ilang katanungan, hiling na impormasyon at reklamo mula sa general public.

Tatagal ang OBE- PAAC hanggang August 2, 2025.  Batay sa Regional Learners Information System (LIS) quickcount ng DepEd Bicol, aabot na sa 63, 903 ang total enrollment sa Camarines Norte hanggang nitong July 10, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *