Aabot sa 1k mga manok, naipamahagi sa mga ASF-affected families sa bayan ng Tiwi, Albay

LEGAZPI CITY – Aabot sa isang libong (1K) mga manok ang naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) sa pangunguna ng Albay Veterinary Office (AVO) sa mga African Swine Fever (ASF) – Affected Families sa bayan ng Tiwi, Albay.

Pinangunahan ng mga tauhan mula sa PGA at AVO ang nasabing distribusyon ng mga manok kung saan aabot sa walompu’t tatlo (83) mga swine farmers mula sa mga barangay ng Joroan, Bariis, at Lourdes ang nakatanggap ng nasabing donasyon.

Maliban pa rito, namahagi rin ang pamahalaang panlalawigan ng tig dalawampu’t limang (25) kilo ng feeds para maggamit ng mga benepisyaryo bilang panimula ng kanilang bagong kabuhayan. Ayon sa PGA, patuloy umano ang kanilang koordinasyon sa iba pang ahensiya sa posibleng dagdag na suporta sa mga swine-affected families.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *