Pinakamataas na kastilyong buhangin sa mundo, itinayo sa Denmark

Posibleng may makaagaw na sa Guinness world record para sa pinakamataas na kastilyong buhangin sa mundo.

Isang grupo kasi ng mga artist sa Denmark ang nagsama-sama upang magtayo ng sand castle na umaabot sa 69.4 feet ang taas.

Binubuo ang grupo ng 30 iskultor na pinanunugunahan ng artist na si Wilfred Stijger mula sa Netherlands.

Gumamit sila ng 5,000 tonelada ng buhangin upang maitayo ang kastilyo sa syudad ng Brokhus.

Upang maging matibay ay hinaluan nila ng 10% clay ang buhangin at binalot sa glue ang final product upang manatili itong matibay na nakatayo kahit sa gitna ng taglamig.

Nabatid na nasa 57.9 feet ang taas ng kasalukuyang may hawak sa Guinness world record para sa pinakamataas na kastilyong buhangin na ginawa noong 2019 sa Germany. || Shiela Madrigalejos