Pinag-iingat ng Philippine Space Agecy (PhilSA) ang publiko sa posibleng mga debris mula sa mga pinakawalang rocket ng China.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng PhilSA ang pag-launch ng Long March 3B/E rocket ng People’s Republic of China.
Inaasahan umanong babagsak ang mga debris nito sa mga drop zones na matatagpuan sa 55 nautical miles mula Patag Island at 68 nautical miles mula Rozul Reef.
Pinakawalan daw ito mula sa Xichang Satellite Launch Center sa Liangshan Yi Autonomous Prefecture, Sichuan kaninang 09:15 AM, oras sa Pilipinas.
Sa ngayon, nag-isyu na ng notice to airmen o NOTAM para sa kaligtasan ng mga aircrafts.
Maaari rin itong makapinsala o makapahamak ng mga sasakyang pandagat.
Inabisuhan ang mga lokal at mga LGUs na kaagad mag-report sa oras na makita ang mga debris.
Pinagbabawal din ang close contact sa mga ito dahil maaaring may toxic substance ang rocket fuel na taglay nito.