Ex-PNP chiefs – nagsalita na!

Isa-isa nang dumipensa ang ilang mga nagdaang hepe ng Pambansang Pulisya para idiing wala silang kinalaman sa POGO.

Kasunod ito ng nabanggit ng ni PAGCOR Senior Vice President Raul Villanueva sa pagdinig ng Senado na mayroon ‘di umanong isang ‘chief PNP’ na tumulong para makatakas si Alice Guo at tumatanggap din sa payroll ng POGO.

Sa isang pahayag, idiniin ni ret. Gen. Oscal Abayalde na hindi siya ang tinutukoy dito.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Aniya, ni kailanman ay hindi niya pa naka-engkuwentro o nakasama nang personal si Guo.

Hinamon naman ni ret. Gen. Rodolfo Azurin ang PAGCOR official na pangalanan na ang tinutukoy niyang dating PNP chief.

Sa ganitong paraan umano ay mapananagot na ito at ‘di na madungisan pa ang pangalan ng institusyon.

Sakaling wala raw katotohanan ang alegasyon – dapat mapanagot si Villanueva.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ganito rin ang naging paghamon ni ret. Gen. Benjamin Acorda nang sa gayon ay hindi na raw madamay pa ang integridad ng PNP, at ang mga inosenteng pulis.

Bago ito – una nang sinabi ni Sen. Bato dela Rosa na nangangamba na raw ang mga kapwa niya dating PNP chief sa naturang mga alegasyon.

Aniya, kailangan na itong ma-verify at malinawan.