Ipinag-uutos ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na dapat munang i-register sa ahensya ang mga gagamiting social media accounts ng mga kandidato para sa 2025 midterm elections.
Sa resolusyon noong Miyerkules, sinabi ng poll body na ang mga official social media acocunts at pages, websites, podcasts, blogs, vlogs, at iba pang mga internet-based campaign platforms ng mga kandidato ay dapat irehistro sa COMELEC-Education and Information Department (EID).
Kasama rin dito ang mga parties na makikiisa sa halalan, at ang kanilang mga campaign teams na binuo para i-promote ang eleksyon o defeat ng isang kandidato.
Ang pagsisimula ng registration period ay magaganap sa loob ng 30 araw matapos ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) o mula November 8 hanggang December 13.
Mababatid na magsisimula ang filing period ng COC mula October 1 hanggang October 8.