China, itinanggi na sinisira nila ang maritime environment sa Scarborough Shoal

Mariing itinanggi ng China ang pahayag ng Philippine Coast Guard na sinisira nito ang maritime environment sa paligid ng Scarborough Shoal.

Dinepensahan din ng China ang direktiba nila sa CCG na hulihin ang sinumang manghihimasok sa mga itinuturing nilang teritoryo sa South China Sea.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Giit ni  Chinese foreign ministry spokesperson Wang Wenbin na ang Pilipinas umano ang ilegal na pumapasok sa teritoryo ng China.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Samantala, nangangalap na ng ebidensya ang Philippine Coast Guard para sa posibleng panibagong kaso na isasampa ng Pilipinas laban sa China sa international court.

Nangako naman ang PCG at Philippine Navy na mas paiigtingin ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.