Ibinunyag ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo ang katotohanan sa kaniyang pagkatao kung bakit hindi niya ito inamin sa Senado.

Ayon kay Guo anak umano siya ng kanyang ama sa kanilang kasambahay noon.
‘Alang-alang sa aking mga kababayan na nagtitiwala at nagmamahal sa akin ay buong tapang ko pong sasabihin na ako po’y isang LOVE CHILD ng mahal kong ama sa aming kasambahay. Na ako po ay iniwan ng aking biological mother bata pa ako noon. At ako’y pinalaki at itinatago sa loob ng isang farm. Pinalaking matindi ang pag-iwas sa mga bagay na magbibigay sana sa akin ng pagkakakilanlan sa labas ng aming hog raising farm.‘ ani Guo
Humingi siya ng paumanhin sa publiko at mga senador na naguluhan sa mga sagot niya nang sumalang siya sa pagdinig.
Giit pa ng Alkalde na masiyadong private kung ibubunyag niya na siya ay anak ng kanilang kasambahay.
Inamin naman ni Mayor Guo na ang kanyang tatay ay isang Chinese Citizens ngunit ang kaniyang Ina ay isang Filipina na kasambahay at ang hawak niyang pasaporte ay Filipino passport.
Wala umano siyang ibang pasaporteng hawak at nanindigan din si Guo na siya ay isang Filipino.