China, itinanggi ang reklamo ng Taiwan kaugnay sa drone harassment

Itinanggi ng China’s Foreign Ministry ang reklamo mula sa Taiwan hinggil sa umano’y paulit-ulit na harassment ng Chinese drones very close sa Taiwanese-controlled islands, dahilan para tawagin ng Taipei ang Beijing bilang na “nothing more than thieves.”

Matatandaan na simula nang simulan ng China ang war games at military drills malapit sa Taiwan nitong buwan, kasunod ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Chinese-claimed island, iniulat ng gobyerno ng Taipei ang paulit-ulit umano na pagpapalipad ng drones ng China sa islets na kinokontrol nila malapit sa Chinese coast.

Ang video mula sa dalawang ng naturang drone missions ay kumalat sa Chinese social media, kung saan ang isa dito ay makikita ang mga sundalo ng Taiwan na nagtatapon ng mga bato para mataboy ito.

Kinumpirma naman ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na nakita niya ang footage, at sinabing lumilipad ang mga drones sa loob ng Chinese territory.