Daan-daang mga bata kabilang sa mga nasawi sa Pakistan flood

Kinumpirma ng Climate minister ng Pakistan na (1/3) one-third ng kanilang bansa ang lubog sa makasaysayang pagbaha.

Sinabi ni Sherry Rehman na marami sa kanilang mga kalsada ang sinira ng baha, nasira ang mga bahay at maging ang mga pananim.

Ayon kay Rehman, mistulang karagatan ang malaking bahagi ng kanilang bansa kung saan hindi nila magawang i-pump ang tubig-baha dahil wala naman silang pagdadalhan.

Giit pa ni ng Climate Minister na ngayon lang sila nakaranas ng ganitong klase ng malawakang pagbaha kung saan tinitignan nilang dahilan ay ang climate change.

Sa pinakahuling report, umabot na sa 1,136 na tao ang nasawi simula nang maranasan nila ang monsoon sean noong Hunyo.

Kinumpirma ni Pakistan Foreign Minister Bilawal Bhutto-Zardari na one-third sa mga nasawi ay pinaniniwalaang mga bata.