SORSOGON CITY – Opisyal na pinarangalan ng Police Regional Office 5 ang dalawang opisyal ng Pulis Kasanggayahan habang nasungkit naman ng Bulan Municipal Police Station ang Best MPS kasabay ng pagdaraos ng ika-121st Police Service Anniversary na ginanap Agosto 29 sa PRO5 sa Camp Simeon Ola sa lalawigan ng Albay.
Sina Sorsogon PD PCol Arturo Brual Jr ay ginawaran bilang Best Senior Police Commission Officer (PCO) for Operation habang si PMaj Marmay Fartingca ay ginawaran bilang Best Junior PCO for Operations.



Ang pagkakapili sa dalawang opisyal ay dahil na rin sa kanilang mga katangi-tanging gawa sa operational accomplishments na nakapagbigay ng mahalaga at epektibong paraan upang maging matibay at matagumpay ang ugnayan ng PNP at mamamayan na kanilang nasasakupan tungo sa mapayapa at maunlad na pamayanan.
Ang tema ngayong taon sa pagdiriwang ng ika-121st Police Service Anniversary ay ‘’Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan Tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran.’’
