PNP, nagpapatuloy sa paghahanap sa secret bunker sa KOJC compound kung saan may na-detect na tibok ng puso

Patuloy na naniniwala ang Philippine National Police na nasa compound lamang ng Kingdom of Jesus Christ si Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, may mga impormante silang nagsasabi na nasa loob lamang nito si Quiboloy.

Read More:  Marcos, Thai PM commit to deeper partnership after ASEAN Summit talks

Wala rin aniyang ibinibigay na deadline sa pananatili ng mga pulis sa KOJC compound.

Sa ngayon , nagpapatuloy ang ginagawang paghahanap sa mga lagusan sa underground facility matapos ma-detect ng ground- penetrating radar na may tibok ng puso rito.

Read More:  DILG prepares 10K force for possible Bato arrest

Idiniin din ng PNP na patuloy nilang ipatutupad ang maximum tolerance sa kabila ng “resistance” ng mga miyembro ng KOJC.