Child Protection and Anti-Bullying (CPAB) Manual, inilunsad ng SDO-Isabela

Inilunsad ng Schools Division Office of Isabela ang Child Protection and Anti-Bullying (CPAB) Manual na magsisilbing direksyon ng mga teaching and non-teaching staff ng ahensya para sa implementasyon ng Child Protection Policy.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inihayag ni SDO-Isabela Attorney Henedino Joseph Duarte Jr. na hango ang CPAB Manual sa DepEd Order no. 40 s. 2012 at DepEd order no. 55 s. 2013 na layong bigyan ng proteksyon ang mga bata.

Aniya makatutulong din ang naturang manual sa paglunsad ng DepEd Isabela ng mga programang nakatuon sa proteksyon ng mga mag-aaral.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Hinimok naman ni OIC-Schools Division Superintendent Madelyn Macalling ang kaguruan maging ang mga non-teaching staff na tiyaking napapanatili ang karapatan ng mga mag-aaral sa new normal education.

Nangako naman ng suporta ang mga organisasyon, ahensya at pamahalaang panlalawigan ng Isabela para sa implementasyon ng CPAB manual at child protection advocacy upang mabawasan ang kaso ng pang-aabuso sa mga bata.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kasabay ng naturang aktibidad ay naglabas ng resolusyon ang SDO-Isabela kung saan lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay mandatong i-adopt ang CPAB Manual.

Maging ang pagkakaroon ng child protection desk sa mga paaralan, paglulunsad ng online filing para sa child protection cases at pagtalaga ng division supervisor guidance counselor.

Samantala, ang SDO-Isabela ang kauna-unahang division sa region 2 na naglunsad ng CPAB Manual.

Ayon kay Regional Director Benjamin Paragas nagpapatunay lamang umano na ang SDO-Isabela ay isinaalang-alang ang proteksyon ng libu-libong mag-aaral.