Pinarangalan ng Police Regional Office 2 ang mga Outstanding Individual, Unit Awardees at Supportive Stakeholders sa larangan ng Police Community Relations kasabay ng isinagawang 26th Police Community Relations Month culminating ceremony.
Ito ay may temang “Pulisya at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen” kung saan panauhing pandangal si Cagayan Vice Governor Melvin Vargas.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PRO2, kinilala bilang Outstanding Police Provincial Office of the Year ang Isabela Police Provincial Office(IPPO), Outstanding City Police Station ang PNP Ilagan habang kinilala naman bilang Outstanding Municipal Police Station ang PNP Allacapan.
Nakatanggap naman ng Plaque of Recognition si Regional Director PBGen. Steve Ludan sa pagpapatuloy sa implementasyon ng “PRO2 Lingkod Bayanihan BARANGAYanihan Project Pabahay.”
Kabilang din sa nakatanggap ng parangal bilang Outstanding Senior Police Commissioned Officer of the Year si Regional Police Strategy Management Division Chief PCol. Ariel Quilang, Quirino PS COP PCapt. Rufo Figarola, Jr. bilang Outstanding Junior Police Commissioned Officer of the Year.
Itinanghal naman bilang Outstanding Senior PNCO of the Year sa regional at national level si PMSgt. Rogin Corpuz ng Allacapan PS, Outstanding Junior PNCO of the Year naman si PSSgt. Marlyn Banan ng Enrile PS ay NUP Nympha Cagurangan ng Alcala PS bilang Outstanding Non-Uniformed Personnel of the Year.
Binati ng bise gobernador ang mga naparangalan at ipinahayag ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng mga frontliner ng PNP ngayong pandemiya.
Tinawag din niyang modern-day heroes ang kapulisan sa lambak ng Cagayan dahil sa ipinamalas na dedikasyon sa trabaho bilang mga public servant.