CHED, kinokonsidera ang mandatory vaccination para sa mga estudyante

Kinokonsidera ng Commission on Higher Education ang pagpapatupad ng mandatory vaccination para sa lahat ng estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ay sa gitna ng pagdami ng mga degree programs na pinayagang magsagawa ng face-to-face classes.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sinabi ni CHED Chair Prospero de Vera na makakatulong ang vaccination upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga estudyante, faculty members, at iba pang mga empleyado sa higher education institutions.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ipinunto naman ni de Vera na kahit hindi pa required sa ngayon ang vaccination ay mataas na ang vaccination rate ng mga estudyante na kasalukuyang sumasailalim na sa face-to-face classes.