Ilang kongresista, inirekomenda na pabakunahan ang teenagers sa public centers

Naalarma ang ilang kongresista sa pagpapabakuna kontra COVID-19 ng mga teenagers sa mga ospital kung saan ay pwedeng malagay ang kanilang kalusugan sa panganib.

Sinabi ng dating Health secretary na si Iloilo Representative Janette Garin na mas magiging exposed ang mga teenagers sa mas mataas na risk ng infection sa mga ospital.

Read More:  Sotto says Senate has funds for possible VP Duterte impeachment

Ipinunto ng kongresista na nagtitipon sa mga pagamutan ang mga nagkakasakit at ang mga indibidwal na hindi pa alam kung meron silang COVID-19.

Read More:  Luistro says Bank Secrecy Law cannot be used to hide unexplained wealth

Inirekomenda naman ng mambabatas na gawin ang pediatric vaccination drive sa mga public centers.