Cetacean Cemetery o libingan ng mga balyena at iba pang sea mammals sa Camarines Sur, bukas pa rin sa publiko

NAGA CITY – Nagsara man ang ilang pampublikong sementeryo sa buong Camarines Sur, bukas ang Cetacean Cemetery o libingan ng mga balyena, butanding, dolphin, at pawikan sa Bula, Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Nonie Enolva tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bicol, sinabi nitong tungkulin at hangarin ng libingan na hindi lamang sa mapataas ang lebel ng kamalayan ng mga tao sa pangangalaga ng mga sea mammals maging ang pagbibigay rin ng pagkilala sa mga Protective Species sa buong Bicol.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Mahigit 13 sea mammals ang nakalibing na sa Cetacean Cemetery simula ng itayo ito noong 2013, ilang mga dolphins, isang butanding, isang balyena, ang naroon, isang pinakamalaking pawikan na nailibing roon at isang fetus na isda na pinakabatang nailibing.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Katulad ng sa tao may kanya-kanya rin itong lapida o puntod bilang pagkakakilanlan sa mga ito, wala namang mga protocol o hinihingi sa mga dadalaw.

Ang Cetacean Cemetery ay kauna-unahang libingan ng mga hayop sa Marine Ecosystem sa buong bansa.