Mahigit 400 kaso ng COVID-19 naitala nitong weekend sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa 44,910 ang total cumulative cases ng COVID-19 sa Bicol region matapos na makapagtala ng 455 na mga bagong kaso nitong weekend, 162 noong Sabado habang 293 naman kahapon.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, sa 293 na mga bagong kaso kahapon, 154 ang mula sa Camarines Sur kung saan 60 nito ay naitala sa Naga City, 12 sa Pili, sampo sa Nabua, siyam sa Goa, walo sa Magarao, tig-anim ang Canaman at Iriga City, tiglima ang Camaligan at San Fernando, tig-aapat ang Bato, Calabanga at Milaor, tigtatatlo ang Bombon, Baao at Tinambac, tigdadalawa ang Bula, Lagonoy at Libmanan at tig-iisa ang Cabusao, Del Gallego, Lupi, Minalabac, Ocampo at Sagñay.

42 ang bagong kaso sa Albay kung saan 17 ang mula sa Sto. Domingo, 13 sa Legazpi City, lima sa Daraga, tigdalawa ang Libon at Oas at tig-iisa ang Guinobatan, Ligao City at Tabaco City.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

42 rin ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 15 nito ay mula sa Caramoran, 12 sa Virac, lima sa Bato, apat sa San Andres, tatlo sa Viga, dalawa sa San Miguel at isa sa Gigmoto.

31 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan siyam ang mula sa Gubat, walo sa Irosin, lima sa Sorsogon City, tatlo sa Bulusan, tigdalawa ang Castilla at Pilar at tig-isa ang Donsol at Magallanes.

14 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan pito ang mula sa bayan ng Talisay, tatlo sa Daet, dalawa sa Labo at tig-isa ang Mercedes at Vinzons.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Pitong bagong kaso ang nadagdag sa Masbate kung saan tigdadalawa ang Balud, Mandaon at Placer at isa sa San Pascual habang mayroon naming tatlong kaso na nagmula sa labas ng Bicol, galling ang mga ito sa Marikina City, Rizal, Quezon at Quezon City.

Sa ngayon, ay nasa 8,857 (19.72%) pa ang aktibong kaso ng sakit, 34,584 (77.01%) ang recoveries habang 1,469 (3.27%) na ang mga nasawi.

43 ang mga bagong gumaling kung saan 28 ang mula sa Sorsogon at 15 sa Catanduanes. Anim naman ang bagong nasawi kung saan apat ang mula sa Camarines Sur at dalawa sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm